Sumali na sa Tula Táyo
2021
Ang
Tula Táyo ay isang online na timpalak sa pagsulat ng katutubong tula na
itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Panitikan ng
Filipinas. Para sa edisyong 2021, bukás ang timpalak sa mga dalít, diyona, at
tanaga na nakasulat sa wikang Filipino pumapaksa sa kasalukuyang danas sa
pandemya at tema ng Buwan ng Panitikan 2021.
Mga
Tuntunin
1.
Ipapaskil ang mga tula—diyona, dalít, o tanaga—sa seksiyon ng mga komento sa
nakatalagang poster para sa bawat anyo ng tula. Susundin ang sumusunod na
iskedyul para sa pagpapaskil:
1–5
Marso 2021 Dalít
8–14
Marso 2021 Diyona
15–21
Marso 2021 Tanaga
2.
Magiging opisyal ang mga lahok kapag ipinaskil ito sa seksiyon ng komento ng
partikular na poster para sa anyo na matatagpuan sa page ng Komisyon sa Wikang
Filipino.
3.
Tatanggap ng mga orihinal na tula na nakasulat sa wikang Filipino. Maaaring
gawing tema ang kasalukuyang danas sa pandemya at ang tema ng Buwan ng
Panitikan ng Filipinas na “Limandaang Taon ng Pagsulat sa Kalibutang Filipino.”
4.
Kikilalanin ang mga nagsipagwagi sa Araw ni Balagtas sa 2 Abril 2021. May
nakalaang limandaang piso (PHP500.00) sa sampung magwawagi para sa bawat anyo.
5.
Pinal at hindi na mababago ang magiging pasiya ng mga hurado sa timpalak.
No comments:
Post a Comment