Lazada

Saturday, August 8, 2020

UP Diksiyonaryong Filipino Online for Free

UP Diksiyonaryong Filipino Online

Maaari ninyong ma-access ang UP Diksiyonaryong Filipino nang walang bayad.

maaaring i-click ang link para sa libreng access ng diksiyonaryo.

https://diksiyonaryo.ph/

ctto


ctto






KATUTUBONG WIKA: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO ni Patrocinio V. Villafuerte

KATUTUBONG WIKA: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO
ni Patrocinio V. Villafuerte
Sa bawat panahong dumatal, may sekularisasyon man o digmaan,
Tradisyonal man o kontemporaryo,
Nagsasanib ang puwersa ng kasaysayan, kultura at lipunan
Na nag-uugnay sa panlipunang kaganapan at ideolohiyang kolonyal
Na unti-unting pumupulupot sa pormulasyon ng pagsulong.
Gamit ang wikang pinuhunanan ng tinig at kumpas, ng lakas at giting.
Wikang dinaluyan ng maraming pagtatangka, panunupil, pakikibaka at pagbabanta
Wikang gumising sa ating nahihimlay na kamalayan
At nagpahayag ng di mabilang na kontradiksyon- pagsalungat o pagsang- ayon
Pagtatalo o pangangatuwiran, paglalahad o paglalarawan
Gamit ang wika ng sibilisasyon at rekognisyon
May masining na pagpapahayag, may retorikang busog sa proseso ng integrasyon
Sapagkat ang bawat isa sa atin ay may kapaniwalaang ang wika ay sinasalita.
Sinasalita ang wika.
Kayraming katawagang ikinakapit sa unang wikang natutuhan natin:
Orihinal. Inang wika. Mother-tongue. Ekolek. Diyalekto. Katutubo.
Bawat rehiyon, bawat lungsod, sa kabundukan man o sa kapatagan,
May transmisyon at kontekstuwalisasyon ng katutubong salita
Na pinayaman ng diin at lakas, ng himig at aliw-iw.
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pangasinan, Bicol, Hiligaynon,
Waray, Capampangan, Maranao, Maguindanaon,
Ibanag, Ivatan, Zambal, Kamayo, Aklanon
Mga katutubong wikang may kongkretong identipikasyon ng pagsilang at pagmulat.
Iniluwal sa tahanan.
Binihisan sa paaralan.
Hinubog sa simbahan.
Kinandili ng pamayanan.
Pinagyaman ng pamayanan.
Ang katutubong wika’y
( 1 )
May sining ng pagbuo, pagbabalangkas at pagsasabansa
May demokratikong paglikha, pagtangkilik at pagtanggap
May sariling bihis na mapagkukunan ng oportunidad at realisasyon ng pangarap
Sa larang ng edukasyon, ekonomiya, politika at teknolohiya
Na nagpapayaman sa ating karanasan sa pagdidisiplina ng kaayusan
Sa pagtatamo ng kapayapaan, kalayaan at katarungan.
Ang katutubong wika sa ikadalawampu’t isang siglo
Ang huhukom sa diskursong moralidad ng pagkatao
Susupil sa kapitalistang ugat ng kahirapan at karahasan
Wawasak sa paglaganap ng katiwalian at kasamaan
Bubuhay muli ang nawawalang tradisyon, pagkakapatiran at pagkakaisa
Dahil tayo’y nasa isang bansang malaya
May tungkulin tayong sundin ang umiiral na batas
May layunin tayong palawakin ang dunong na kaloob ng akademya’t institusyon
May pananagutan tayong ipagtanggol ang demokrasya’t kasarinlan
May adbokasiya tayong palaganapin ang kultura, panitikan at kasaysayan
May pangarap tayong makibahagi sa representasyon ng kaganapang global
Tungo sa isang bansang Filipino,
Ang Pilipinas.


Thursday, August 6, 2020

DepEd Commons Teaching Materials for FREE









Are you looking for teaching materials?

Visit the links below, it is for FREE.

ctto

        https://bit.ly/2DEtCAw

for kinder

https://bit.ly/2PAU4Oo

for nursery

https://bit.ly/33FuBLB

for Grade 1

https://bit.ly/30AxE62

for Grade 2

https://bit.ly/3fG3se6

for Grade 3

https://bit.ly/3ifRLfC

for Grade 4

https://bit.ly/30AxI5M

for Grade 5

https://bit.ly/2DNSxBz

for Grade 6

https://bit.ly/3ilxmWO

for Grade 7

https://bit.ly/30CfEbh

for Grade 8

https://bit.ly/2DJXKdW

for Grade 9

https://bit.ly/2C89ma0

for Grade 10

https://bit.ly/30Dv8Mf

for TRIGONOMETRY, GEOMETRY, ALGEBRA, STATISTIC

https://bit.ly/30BMjxG

DepEd Common Materials

https://bit.ly/30CVNZw

for READING AND LISTENING MATERIALS 

https://bit.ly/2DKVtiF

for 21st Century Literature from the Philppines and the World

https://bit.ly/3gPaE97

for all modules

https://bit.ly/3gQ91b4

DepEd Commons Modules

https://bit.ly/2DIR14b

SHS Modules

https://bit.ly/2YhEegj

k12 Modules

https://bit.ly/3hrqVBa


Sunday, August 2, 2020

Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya

Ang akdang ito ay maaaring gamitin nang libre para sa online learning o anumang kaugnay na gawain.

Sabayang bigkas online


Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika,
Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya”

Hiligaynon, Sebwano, Bikol, at Pampanggo,
Mga wikang dapat ipinagmamalaki mo
Pangasinan, Tagalog, Waray, at llokano
Patuloy itong gamitin, ito ang hámon ko sa iyo.

Lahat ng wika sa bansa ay dapat pahalagahan
Tausug, Yogad, at Sambal ay patuloy na pangalagaan
Huwag ikahiya ang iyong wika na sa iyo ay pamána
Kinaray-a, Kankanaey, at Cuyonon ay ipagmalaki sa buong bansa.

Ang mga wika sa bansa ay may hatid na karunungan
Chavacano, B’laan, at Ibanag huwag husgahan
Makikita ang tradisyon, kultura, at pananampalataya
Kalanguya, Ga’dang at Itawis ay kasama sa mga talâ.

Ang kasaysayan ay naaalala dahil sa wika
Wikang sinambit ng mga bayani ng ating bansa
Silá rin ay lumaban sa mga nakalipas na pandemya
Bayaníhan at wika ang kanilang naging sandata.

Dayuhang wika ang tinatangkilik ng mga kabataan
Mga pelikulang Korean ang kinasasabikan
Kasama pa si nanay at tatay sa internet nakatututok
Ang katutubong wika ay hindi itinuro kayâ ito ay binubukbok.

Senador, congressman, alkalde, at konsehal
Marami sa kanila ay wikang dayuhan ang gamit
Gumagamit lámang ng Filipino kapag gustong mahalal
Kapag nanalo sa eleksiyon, wikang dayuhan na ang sinasambit

Katutubong wika ay yaman ng bawat Filipino
Huwag hayaang mamatay ang yaman na ito
Ayta mag-indi, Manobo Kalamansig, Binatak, at Irungdungan
Tungkulin ng bawat Filipino na ito ay pangalagaan

Mandaya, Adasen, Higaonon, Ibatan, at Teduray
Ituring itong ginto at huwag hayaang mamatay
Ang mga ito ay pamana na hindi mapapalitan ng pera
Tiyakin na sa susunod na henerasyon ito ay maipamana

Huwag hayaan na ang wika ng iyong ninuno ay maglaho
Tiyak susumbatan ka ng mga kabataang Filipino
Dahil wala kang ginawa pára ito ay maipreserba
Ang wikang pamana ay tuluyan mong ibinasura

Hindi pa hulí ang lahat aking kababayang Filipino
Patuloy mong gamiting ang katutubong wika
Mapunta ka man sa Amerika, Hongkong o Canada
Tiyakin na yakap at gamit mo ng wika ng iyong ninuno

Mga katutubong wika ay gamitin sa edukasyon
Ang mga guro at magulang ay dapat magtulong-tulong
Gamitin sa mga teksbuk at mga babasahin
Tiyak ang literasi ay makakamit natin

Sa panahon ng pandemya, bayahinan ang kailangan
Katutubong wika ay susi upang sakit ay maiwasan
Wikang dayuhan ay hindi naman naiintindihan
Kung sakít na COVID-19 at kalusugan ang pinag-usapan

Bayanihan, bayanihan, gamitin ang wika sa bayanihan
Ang paggamit ng katutubong wika ay dapat isakatuparan
Tiyak ang bayanihan kung nagkakaintindihan
Pandemya ay mabilis at epektibong mapagtatagumpayan

Ikaw, Ako, Tayong lahat ay may tungkulin
Katutubong wika ay dapat pagyabungin
Isama ito sa mga iba’t ibang uri ng publikasyon
Gamitin sa social media, IG, YouTube, at Twitter

Huwag iasa sa dayuhan ang pag-aaral sa ating mga wika
Tayong mga Filipino ang dapat gumawa ng mga hakbang
Gumawa ng ortograpiya ng mga katutubong wika
Gamitin sa mga paaralan at gamitin nang tama.

Katutubong wika ay ipagsigawan sa buong sanlibutan
Ito ay yaman ng ating kultura na dapat pangalagaan
Isang pagtataksil ang talikuran ang wika ng iyong ninuno
Kayâ kumilos at gamitin ang mga katutubong wika.