FILIPINO,
WIKA NG SALIKSIK
Jennifor
L. Aguilar
Nagpupumilit,
naggugumiit, nagsusumiksik
Pinipilit,
ginigiit, sinisiksik
Wikang
Filipino’y ihanay sa mga wika ng daigdig
Makamit
ang antas maigng wika ng saliksik
Hindi
mararating ni hindi maihahambing
Maging
higanteng wika’y suntok lamang sa dilim
Hangga’t
walang bait, buti at panalanging taimtim
Na
gamitin sa saliksik ang wika nating angkin
Sa
mga paaralan, hindi siya pinapansin
Mga
guro’t administrador, napakababa kung tinuturing
Sa
matatalinong usapin, debate’t mga sulatin
Hindi
maipilit na gamitin lang man din
Sa
larang-medikal, naririnig ba natin?
Mga
terminolohiya ng sakit at gamot na generik
Hindi
nga mabigkas ng pasyenteng namimilipit
Kasama
na niyang namatay hanggang sa mailibing
Maging
sa hudikatura, may puwang bang nakalaan?
Pobreng
Pilipinong nasasakdal, sa Ingles pinagtatalunan
Nakulong
na’t lahat, nabulok sa bilangguan
Hindi
man lamang nakapagtanggol sa wika niyang alam.
Hindi
magtatagumpay at walang mararating
Wikang
mahal natin kung ganito itinuturing
Tuluyan
siyang masasadlak, mananatiling alipin
Mabibilanggo’t
magkakasakit hanggang tayo’y lisanin
Simulang
pahalagahan, gamitin nang gamitin
Talastasan
sa tahanan at komunidad natin
Sa
simbahan, paaralan, ospital o hukuman
Senado
at Kongreso, hanggang sa Malakanyang
Itakda
itong wika ng aklat at kasaysayan
Agham,
Matematika at diskursong pangkaunlaran
Itanim
ito sa dila ng mga kabataan
Hanggang
sa tumubo’t magbunga sa henerasyong dadaan
Pagka’t
Filipino’y wikang mabalasik
Kung
magpupumilit ay may makakamit
Kung
maggugumiit, tuluyang makasasapit
Kung
magsusumiksik, magiging wika ng saliksik
JENNIFOR L.
AGUILAR, Ed.D
Chairperson
Master
of Arts in Filipino Program
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
COLLEGE OF EDUCATION
2/F North Wing Main Building
A. Mabini Campus, Anonas St., Sta. Mesa
Manila, Philippines 1016