๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐!
Inaanyayahan
ang lahat ng mga tagasalin na magpatala sa KWF Direktoryo ng mga Tagasalin
2025!
Ang
KWF Direktoryo ng mga Tagasalin ay naglalayong palakasin at pagyamanin ang
network ng mga tagasalin sa bansa, lalo na ang ugnayan at partisipasyon ng mga
tagasalin mula sa rehiyon. Sa pamamagitan ng direktoryo na ito, matitiyak ng
KWF na ang matitipong mga tagasalin ay propesyonal at de-kalidad na makatutugon
sa pangangailangan ng pagsasalin sa iba't ibang katutubong wika ng mahahalagang
dokumento, kasulatan, impormasyon, at iba pang katulad. Magsisilbi ding gabay
ang direktoryo para sa pagbibigay ng KWF ng priyoridad sa mga tagasalin na nasa
direktoryo nito para sa mga imbitasyon, pabatid, pagsasanay, proyekto, at
anunsiyo sa mga proyekto at programa sa pagsasalin ng ahensiya.
Magpatala
sa link na ito: https://forms.gle/n4BzwXNhM9zU5QTs7
Bukรกs
ang rehistrasyon hanggang sa 31 Oktubre 2025.
MAHALAGANG
PAUNAWA: Ang mga lumahok / nagpatala / nagsumite sa 2024 Direktoryo ng mga
Tagasalin ng KWF ay hindi na kinakailangan pang magsumiteng muli sa 2025
Direktoryo ng mga Tagasalin. Kasalukuyang isinasapinal ang 2024 Direktoryo ng
mga Tagasalin at makatatanggap ng pabatid ang mga kinauukulang kalahok hinggil
dito.
#pagsasalin
#kwf
#tagasalin