๐๐ฎ๐ณ๐๐ญ๐ญ๐ ๐. ๐๐จ๐๐ญ๐จ๐ฅ๐๐ซ๐จ, ๐๐๐ค๐ข๐ค๐ข๐๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ฒ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐ง๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐
Makikibahagi si Bb. Suzette S. Doctolero bilang tagapanayam sa serye ng webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Pambansa 2024 na may temang "Ang Panitikan at Kapayapaan."
Alinsunod sa itinakdang Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 10 Pebrero 2015, na nagdedeklara sa buwan ng Abril bilang Buwan ng Panitikang Pambansa o National Literature Month na nagbibigay-halaga sa panitikan na nakalimbag sa iba't ibang wika sa Pilipinas na itinuturing na pamanang pangkultura sa mga susunod na henerasyon.
Ang pagdiriwang ay bubuksan sa pamamagitan ng isang face-to-face na lektura sa 1 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na itatampok ang paksang "Ang Paglikhรข at Pag-akdรข ng Kapayapaan" na tatalakayin ni Dr. Felipe M. De Leon Jr., isang iskolar at dalubhasa sa kultura.
Tampok sa serye ng webinar ang mga iskolar, dalubhasa, at praktรญsyonรฉr sa panitikan mula sa iba't ibang larang. Ang unang webinar ay gaganapin sa 3 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang "Ang Estado ng Panitikan ng mga Binging Pilipino" na ang magiging tagapanayam ay si Prop. Michael T. Vea, isang faculty ng School of Deaf Education and Applied Studies, De La Salle- College of Saint Benilde.
Ang ikalawang webinar ay nakaiskedyul sa 11 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang "Encantadia: Lente ng Kapayapaan sa Mata ng Manonood" na tatalakayin ni Bb. Suzette Doctolero, manunulat sa pelikula at telebisyon. Ginawaran si Bb. Doctolero ng KWF Dangal ng Panitikan 2023 dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa panitikan partikular sa kaniyang pagsulat ng iba't ibang de-kalidad na pelikula at teleserye.
Ang ikatlong webinar ay nakatakda sa 17 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang "Katutubo at Modernisadong Panitikan para sa isang Mapayapang Lipunang Pilipino" na ang tagapagsalita ay si Dr. Romeo P. Peรฑa ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP).
Samantala, ang ikaapat na webinar ay gaganapin sa 24 Abril 2024, 10:00 nu-12:00 nt na may paksang "Ang Panitikang Pambata at ang mga Usapin ng Kapayapaan" na tatalakayin ni Dr. Eugene Y. Evasco ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
Ang serye ng webinar ay live na mapapanood sa opisyal na Facebook Page ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Sa mga nagnanais na dumalo sa serye ng webinar via zoom ay maaaring makipag-ugnayan sa Sangay ng impormasyon at Publikasyon (SIP) sa telepono bรญlang 85473188 o magpadala ng email sa komfil@kwf.gov.ph para sa mga tanong at paglilinaw.