Lazada

Wednesday, August 17, 2022

Libreng Webinar mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (with e-certificate)

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa wikang Filipino (KWF) sa limang (5) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika (BnW) 2022 na may temang “FILIPINO AT MGA KATUTUBONG WIKA: KASANGKAPAN SA PAGTUKLAS AT PAGLIKHA.”


Magsisilbing tagapanayam si Dr. FELIPE DE LEON, JR, Kompositor at Iskolar Punò, National Committee on Music ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining. Tatalakayin niya ang paksang “Multidisiplinaryo at Interdisiplinaryong Lapit sa Pagbubuo at Pagpapatibay ng Nasyonalismong Kultural” sa 22 Agosto 2022, 10:00 nu-12:00 nt sa pamamagitan ng Zoom.

Maaari nang magpatala sa sumusunod na link:

https://bit.ly/3At1nzz

Mapanonood rin sa FB page ng Komisyon sa Wikang Filipino.


#freeseminar

#buwanngwika2022

#librengseminar

#freecertificate

#librengsertipino