Lumahok sa Dulâ Táyo:
Pagsulat ng Dramatikong Monologo!
Dramatikong monologo ang tawag sa anyo ng maikling dulâ na
may iisang karakter na nagtataglay ng malinaw na paglalarawang-tauhan at
isinasadula ang isang maliwanag na banghay o daloy ng kuwento. Ipinahahayag ng
tauhan ang kaniyang karakterisasyon sa isang tukoy na tagapakinig at/o
tagapanood.
Mga Tuntunin
1. Ang Dulâ Táyo: Pagsulat ng Dramatikong Monologo ay online
na timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng
Panitikan. Ito ay bílang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNESCO International
Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila
ResiliArt EarthSaving Event (under UNESCO patronage) sa pangunguna ng
International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.
2. Bukás ang timpalak sa mga Pilipinong edad 18 pataas,
maliban sa mga opisyal at kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.
3. Ang lahok ay nakasulat sa wikang Filipino at orihinal na
gawa ng may-akda; hindi pa nagagawaran ng parangal, hindi pa naisusumite sa
ibang timpalak o publikasyon, hindi pa naililimbag, at hindi rin salin mula sa
ibang wika.
4. Hindi patatawarin ang sinumang mahuhuling nagplahiyo.
Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa
alinmang timpalak ng KWF.
5. Ang paksa ay “Pagpapahalaga sa Kasaysayan, Kultura,
Karapatan, Kapakanan, at Wika ng mga Katutubo (Indigenous Peoples)”.
6. Gamítin ang Arial (font), 12 (font size), 1.5 (spacing)
at A4 (súkat ng papel) bílang format ng isusumiteng lahok.
7. Ang isusumiteng monologo ay hindi lalampas sa 20 pahina
at kung itatanghal ay hindi lalampas sa 20 minuto.
8. Kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan
ng may-akda ang kopya ng lahok. Tanging pamagat at sagisag-panulat lámang ang
pinahihintulutan.
9. Isang entri lang ang maaaring ilahok ng indibidwal.
10. Isumite sa pormang pdf ang Pormularyo ng Aplikasyon
(maaaring i-download sa link na https://tinyurl.com/pormularyo) at dramatikong
monologo sa link na https://tinyurl.com/pagsusumite.
11. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 28 Pebrero
2022, 11:59 ng gabí.
12. Ang tatlong mananalo ay tatanggap ng sertipiko at
sumusunod na gantimpala na babawasan ng kaukulang buwis:
Unang gantimpala, PHP15,000.00
Ikalawang gantimpala, PHP13,000.00
Ikatlong gantimpala, PHP10,000.00
13. Para sa pagmamarka, gagamitin ang pamantayan na:
Banghay – 25%
Gamit ng wika - 25%
Karakterisasyon - 25%
Malikhaing pagsasanib ng paksa sa
piyesa - 25%
14. Ang pasiya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na
mababago.
15. Ang pangalan ng mga mananalo ay iaanunsiyo sa KWF
Facebook page sa Abril.
16. Para sa mga tanong at paglilinaw, magpadala ng email sa
kwf.tuladula2022@gmail.com.