Lazada

Sunday, June 1, 2014

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas nga Pagka-Pilipino - Jennifor Aguilar

TATAG NG WIKANG FILIPINO, LAKAS NG PAGKA-PILIPINO
Poy Aguilar

Wikang Pambansa, Wikang Filipino,
Wika ng magigiting na lahing Pilipino,
Wika baga ito ng matatapang na tao
Wikang matatag, lakas ng pagkalahi ko!

Pundasyon mo’y dugo’t pawis ng mga ninuno
na tanging iniisip, kapakanan ng inapo
di-alintanang kamatayan, pag-aglahi sa pagkatao
maitawid, maihatid, wikang angkin sa panahong ito

Sinubok kang itatag sa Biak na Bato
Pinaglaban, isinulong ng mga Katipunero
Sa pagnanasang pag-isahin ang bayang ito
Nang tuluyang makalaya sa mga Ilustrado!

Ngunit nang magpalit ng bagong gobyerno,
Ibinenta’t ibinilin sa mga Amerikano
Wika’y binansot ibinaon sa limot
Pilit nag-iingles nang pabalu-baluktot


Muli tayong nangarap, Kasarinla’y makamtan
Kay Pangulong Quezon, maisasakatuparan
Binalangkas ang konstitusyon ng sambayanan
Wika’y kaagapay, kapatid ng tagumpay

Mula sa katutubong wika ng mga Pilipino
Hahanguin, pipiliin, pambansang Wika Ko,
Mayamang balangkas, gamit ng nakararaming tao,
Suportado sa panulat ng mga bayaning Pilipino!

Palibhasa’y wikang Tagalog
nagtatamo nitoIpinasya ng batas na gamitin at ituro
Nang lumao’y nagpalit ng katawagang bago
Pambansang wika’y naging Wikang Pilipino

Unti-unting umunlad ang bayang Pilipinas
Gamit ang wikang pinatatatag, pinatatalas
Nang demokrasya’y ikinubli’t naghari ang dahas
Wika’y sa kaakibat ng mga nag-aaklas