Lazada

Monday, July 1, 2013

Pilipinas or Filipinas?


Philippines! Philippines! Philippines!

Pilipinas! Pilipinas! Pilipinas!

Filipinas! Filipinas! Filipinas!

If you will be given a chance to choose what is the best name of our country, Philippines, Pilipinas o Filipinas?

History will answer the question.

Before you decide, please read this article from the respected National Artist for Literature Virgilio S. Almario

Patayin ang ‘Pilipinas’

MAY tatlong pangalan ang ating bansa: “Filipinas,” “Philippines,” “Pilipinas”: lbinasbas sa atin ang una ng kolonyalismong Espanyol at siya nating opisyal na pangalan sa loob ng tatlong siglo. ltinatawag naman sa atin ang ikalawa ng imperyalismong Amerikano at opisyal nating pangalan ngayon sa Ingles. Bersiyong Tagalog ng una ang ikatlo at batay sa orihinal na titik ng lumang abakada.

Palagay ko, sintomas ng ating pambansang pagkalito ang pagkakaroon ng tatlong pangalan ng ating bansa. Hindi tayo magkaisa kahit sa pagtawag himang sa ating sarili.Ang panukala ko, panahon na para magkaroon tayo ng opisyal na pangalan para sa ating bansa’t republika, at tulad ng inumpisahan ng Diyaryong Filipino, dapat tayong kilalanin sa buong mundo bllang “Filipinas.”

Unang dapat burahin ang “Philippines”. Tatak ito ng patuloy na pag­ iral sa ating utak ng pananakop ng Amerikano. Hindi nila ito nagawa sa Puerto Rico, Cuba, Mexico, Chile, at ibang dating kolonya ng Espanya. Bukod pa, may mga bansang nakapagpipilit ng kanilang sariling pangalan sa UNO sa kabila ng lningles na tawag sa kanila.

Ngayon, bakit hindi “Pilipinas”?

Una, sapagkat mas una at orihinal ang “Filipinas.” Ito ang ibininyag sa atin ni Villalobos noong 1543 at pinairal ni Legazpi noong 1565. Sa loob ng nakaraang tatlong siglo ay kilala tayo sa Europa bIlang”Filipinas” at sa ganitong pangalan ipinroklama ang kalayaan ng ating bansa noong 12 Hunyo 1898. Higit nating maiintindihan ang ating kasaysayan mula sa watak-watak na pula tungo sa isang pinag-isang kapuluan sa pamamagitan ng pangalang “Filipinas.”

Hindi ginamit kailanman ang “Pilipinas” kahit ng ating mga bayani sa panahon ng Rebolusyong Filipino. “Filipinas” ang isinulat ni Plaridel maging sa kaniyang mga tulang Tagalog. Ang lagi namang ginagamit ni Bonifacio ay “Katagalugan”-na maaring bunga ng pangyayaring kilala rin tayo noon sa ibang bansa bllang “Tagalog” o “Tagalo.”

Lumitaw lamang ang “Pilipinas” sa mga akda ng mga kapanahon ni Lope K. Santos nitong bungad ng ika-20 siglo at kaugnay ng pagpapalaganap nila sa lumang abakadang Tagalog (na walang titik F). Opisyal itong ginamit sa panahon ng Hapon at lumaganap nitong dekada 50 kaalinsabay ng pagtawag sa wikang pambansa bilang “Pilipino.” Noon din kumalat ng alamat ni Jose Villa Panganiban na ang “Pilipino” ay hindi Tinagalog na “Filipino” at sa halip ay mula sa pinag-ugpong na pili at pino. (Nakalimutan niyang ang pino ay galing din sa Espanyol na fino kaya imposibleng maging sinaunang katangian ng ating lipi.)

lkalawa, sapagkat kakatwa na ang wika natin ay “Filipino” samantalang ang bansa ay “Pilipinas.”

Modernisado na ang ating alpabeto at kasama sa mga dagdag na titik ang “F.” Kaya hindi na “Pilipino” kundi “Filipino” ang ating wikang pam bansa. Sagisag ng diwa ng modernisasyon at pagiging pambansa ng wika ang pagbabago ng unang titik mula sa “P” tungo sa “F.” Kaya’t sagisag din ng patuloy nating pagdadalawang-isip at pagbabantulot palaganapin nang puspusan ang “Filipino” ang patuloy pa nating paggamit sa “Pilipinas.”

lkatlo, sapagkat ang pagkakaisa na “Filipinas” ang itawag sa ating bansa ay makapagpapagaan din sa pagtuturo ng wastong ispeling sa mga bagay na kaugnay ng ating katangiang pambansa.

Halimbawa, sa ngayon ay dalawa ang paraan ng pagsulat sa ngalan ng mamamayan sa ating bansa. “Filipino” sa Ingles at “Pilipino” sa ating wika. Tinatawag nating “Filipino” ang ating wika pero “Pilipino” ang pambansang bandila. Maiiwasan natin ang problemang ito kung”Filipinas” ang magiging opisyal na pangalan ng ating bansa. Lahat ng ating katangiang pambansa-mamamayan, halagahan, (values), kultura, pilosopiya, atbp­ ay isusulat sa iisang pangalan (“Filipino”) sa Ingles man o katutubong wika.

Siyempre, may kaugnay sa gastos ito para baguhin ang “Pilipinas” o “Philippines” sa pera, karatula, letterhead, atbp. Medyo makaaasiwa ring bigkasin ang magiging inisyals ng “University of Filipinas.” Kaya’t dapat maging sistematiko’t unti-unti ang pagbabago.

Anuman ang gastos, mas malaki pa rin ang mga praktikal at historikal na pakinabang natin kapag nagkaisa tayo sa “Filipinas.” lsang hakbang ito pasulong, isang susi para ipakita ang ating determinasyon, lalo na ngayong ipinagdiriwang natin ang ika-100 anibersaryo ng kaLayaan at nasyonalismong Filipino.


DIYARYO FILIPINO, 1992