Lazada

Friday, February 14, 2025

PUP Open University System

PUP Open University System


 They say love is about finding the right connection.

At PUP Open University System, we believe that education is no different—it's about finding the right fit for your passion, ambition, and future. This Valentine's Day, fall in love with learning and take the first step towards a fulfilling academic journey with us at the Open University System.

"Love Learning, Shape Your Future."

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Polytechnic University of the Philippines Open University System Institute of Open and Distance Education for Academic Year 2025-2026

📢 Applications for Bachelor’s Degree Programs Are Now Open!

We invite eligible applicants to submit their applications for admission to our undergraduate programs. Please review the qualifications and application procedures below:

PUPCET for Open University System (PUPCETOUS) Eligibility:

Applicants must meet one of the following criteria:

✔️ A Grade 12 student expected to graduate by the end of AY 2024-2025, or a graduate from K-12 pilot schools who have not enrolled in any technical, diploma, or degree program after graduation, with a General Weighted Average (GWA) of at least 82%.

✔️ A passer of the PEPT/ALS or NFEA & E Program, as per the regulations set by the Department of Education (DepEd), and certified eligible for college/tertiary-level admission.

✔️ High School Graduate (Non-K12/Old Curriculum)

📌 Application Procedure:

For a step-by-step guide, please watch the instructional video:

🔗 https://www.pup.edu.ph/iapply/pupcetous

https://heyzine.com/flip-book/e1f09cb90e.html

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

PUPOUS Academic Admission and Evaluation for Transferees PUPOUSAAET (CAEPUPOUS) Eligibility:

Qualified applicants include individuals from the following categories:

✔️ Former college students who have discontinued their studies

✔️ Graduates of a three-year diploma course

✔️ Graduates of a two-year diploma course

✔️ Holders of a certificate program

✔️ Graduates of an associate program

✔️ Graduates of a technical and vocational program (formal system)

📌 Application Procedure:

For detailed instructions, please refer to the instructional video.

https://www.pup.edu.ph/iapply/pupousaaet

https://heyzine.com/flip-book/42fa10edc6.html

📝 Apply Now!

🔗 https://iapply.pup.edu.ph/

🔗 https://iapply.pup.edu.ph/

🔗 https://iapply.pup.edu.ph/



ctto


#pupcent

#pupopenuniversity

#pupentranceexam

#pup

#polytechnicuniversityofthephilippines

#puponlineclass

#pupmodular

# academicyear2025-2026

Sunday, February 9, 2025

Kultura at Wikang Filipino (KWF)

Madalas napagpapalit natin ang wika at diyalekto. Ano nga ba ang pagkakaiba?

Mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Palaganapin sa madla!



CTTO: Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)

#kwf
#wika
#diyalekto
#katutubongwika
#buwanngwika
#buwanngpanitikan



Tuesday, January 21, 2025

PUP Open University System

"Embrace Your Potential at PUP Open University System – Open to All, No Matter Your Age, Status, or Location. Join a Diverse and Inclusive Learning Community Today!"
Announcement:
"Ready to take the next step in your educational journey? PUP Open University System is now accepting applicants from all walks of life. Whether you're looking to advance your career, explore new knowledge, or transform your future, we provide a holistic and accessible approach to learning. Apply today and be part of a diverse and inclusive community, where every student matters, and every dream is possible!"
PROGRAMS OFFERED FOR BACCALAUREATE DEGREES
- Bachelor of Arts in Broadcasting (BABR)
- Bachelor of Public Administration (BPA)
- Bachelor of Public Administration with specialization in Fiscal Administration (BPAFA)
- Bachelor of Science in Business Administration major in Human Resource Management (BSBAHRM)
- Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management (BSBAMM)
- Bachelor of Science in Entrepreneurship (BSENT)
- Bachelor of Science in Office Administration (BSOA)
- Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM)
- Bachelor of Science in Information Technology (BSIT)
- Bachelor of Arts in Journalism (BAJ)
- Bachelor of Science in Computer Engineering (BSCpE)
- Bachelor of Science in Industrial Engineering (BSIE)
- Bachelor in Advertising and Public Relations (BADPR)
- Bachelor of Science in Mathematics (BSMATH)

#PUPOpenUniversitySystem
#puppupcet
#pupopensuniversity
#pup
#openuniversity


Friday, October 25, 2024

DBM OKs earlier release of gov’t workers’ yearend bonus, cash gift -By Ruth Abbey Gita-Carlos


 MANILA – The Department of Budget and Management (DBM) has approved the earlier release of government personnel’s yearend bonus and cash gift.

DBM Secretary Amenah Pangandaman on Oct. 22 issued Budget Circular 2024-3, which facilitates the early release of the year-end bonus and cash gift of government workers.

The budget circular amends Section 6.1 of Budget Circular 2016-4 which provides guidelines on the grant of the yearend bonus and cash gift.

The amendment was made to grant the year-end bonus of government employees equivalent to one month basic pay as of Oct. 31 and a cash gift of PHP5,000 “simultaneously with the first agency payroll for the month of November of the current year” subject to conditions.

Pangandaman issued the new budget circular following the observation that “government personnel continue to experience delays in receiving bonuses and cash gifts, affecting their morale, motivation, and level of job satisfaction.”

“Corollary, the streamlining of the payroll process of each agency will mitigate the internal and external causes of delay in the payment of the benefits. A streamlined process will increase productivity and efficiency, ensuring that the year-end bonus and cash gift will be granted on schedule,” the circular read.

In previous years, the yearend bonus and cash gift are usually given to qualified government employees not earlier than Nov. 15.

Budget Circular No. 2024-3, which was made public on Friday, takes effect immediately. (PNA)


#bonus

#dbm

#bonus2024

Sunday, June 30, 2024

Buwan ng Wika 2024 (Filipino: Wikang Mapagpalaya)

Buwan ng Wika 2024

Tema

Filipino: Wikang Mapagpalaya








𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐖𝐈𝐊𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐍𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟒
❝𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨: 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚❞

Wikang Filipino bilang Instrumentong Nagpapalaya

Sa gramatikang Filipino, ang panlaping-unlaping “Mapag” ay nagsasaad ng kawilihan o pag-uugali tulad ng mapagkalinga, mapagkawang-gawa, mapagpatawad—sa tema ngayong taón ay MAPAGPALAYA. Kung sa gayon, itó ay pag-uugaling nagpapalaya ang mapagpalaya.

Ano-ano ang katangian ng wika upang maging behikulo ng pagpapalaya?

1. Kung mayroong wikang magbibigkis sa gitna ng hidwaan, mawawakasan ang sigalot sa dalawang panig na hindi nagkakaunawaan.
2. Kung may mga publikasyon o babasahin na mababasa ng mga batang nasa laylayan ng lipunan, makalalaya sila sa iliterasiya.
3. Kung ang nasyon ay gagamit ng wikang Filipino sa pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan, lalong mararamdaman ng mamamayan ang serbisyong pambayan na sa kanila ay inilalaan, gaya ng winika ni Sen. Lito Lapid (2022):

“Sadyang napakahalaga po sa ating bansa na lubos na naiintindihan ng ating mga kababayan ang lahat ng mga dokumento at sulatin ng ating gobyerno. Kung madali pong maintindihan ang ating mga batas ay mas ma-eengganyo po ang ating mga kababayan na hindi lamang sumunod sa batas, kundi makilahok po sa mga usapan patungkol sa mga pambansa at pampublikong mga isyu.”

4. Kung wikang Filipino ang magiging midyum sa propesyonalisasyon at paggawa, mapuputol ang tanikala ng kahirapan sa bansa na itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas (1987):

Article II, Section 24. The State recognizes the vital role of communication and information in nation-building.

Article III, Section 7. The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents, and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law.

Sa ganitong framework o kaisipan ninais ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wika bilang instrumento sa pagtatamo ng social justice. Sa madaling sabi, isang kainhustisyahan kung hindi natin tatangkilikin ang ating sariling wika sa mga bagay-bagay na nakaaapekto sa ating mga buhay. Kaya, isang mahusay na ehemplo nito ay ang mga balita sa telebisyon na hanggang sa ngayon ay gamit ang Filipino. Ito ay patunay na mas mauunawaan ng madla ang paggamit ng sariling wika.

Idagdag pa rito ang wika ay tulay sa pagtatamo ng mga konseptong abstrak na magpapalaya sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan na napakahalagang gampanin ng wika lalo sa ating mga mag-aaral at kabataan. Ang wika ang susi sa pagpapatahan sa umiiyak na bata, susi sa wastong pagpapalaki sa anak, susi sa wastong pagtuturo, susi sa hinaharap ng ating bayan. Ang wika ay nakapagpapalaya at nakapagbibigay ng aliw at inspirasyon sa kabataan upang higit na maabot nila ang kanilang pangarap at umangat ang ating bansa sa kabuoan.

Ayon kay Virgilio Enriquez (1986), sa kaniyang artikulo sa Sikolohiyang Pilipino na may pamagat na “Ang Kaisipang Pilipino sa Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya” na:

Ang "kaisipang Pilipino" ay tumutukoy samakatwid sa katauhan, ugali, at diwang Pilipino. Hindi ko na aangkinin pa ang pagtatalo sa pagitan ng mentalismo at behabyorismo sa Kanluraning sikolohiya sapagkat sa gamit ko ng salitang "kaisipan" ay tinatanggap ko na ang pagkilos ng tao ay nakaugnay sa kaniyang diwa, ugali, at kaisipan. “xxx

Ginamit ni Enriquez ang salitang “mapagpalaya” upang ilarawan ang sikolohiyang Pilipino na magkaugnay ang kaisipan sa aspekto ng tao sa kaniyang pag-uugali at iniisip. Kaya, ang konsepto ng salitang “mapagpalaya” ay bahagi nang malawak na kultural na pagmamay-ari ng ating sikolohiyang Pilipino.

Hinggil sa Aktibidad

Batay sa KWF Kapasiyahan Blg. 8-2, s. 2024, ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa ay hinati sa limang (5) lingguhang tema: (1) FSL tungo sa Ingklusibong Pambansang Kaunlaran; (2) Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran; (3) Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research; (4) Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa; at (5) Paglaban sa Misinformation (fact checking).

Tampok din ang iba’t ibang gawaing pangwika sa buong buwan ng Agosto sa lalong pagpapatupad ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 kabilang ang limang (5) serye ng webinar, tertulyang pangwika sa pamamagitan ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas, mga timpalak at gawad, Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, at Gabi ng Parangal.

Simbolismo sa Poster

Kaugnay sa sikolohiyang Pilipino sa pagiging mapagpalaya ay makikita sa poster ngayong paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa ang krokis at dibuhong may mga Pilipinong naglalakad na may iba’t ibang kasuotan mula sa payak na pananamit hanggang sa kultural na mga kasuotan na sumisimbolo sa dibersidad ng mga wika sa Pilipinas na patungo sa kanilang mga gawaing magbibigay sa kanila ng kasiglahan, saysay, at kalayaan sa paggawa. Gayundin ang nasa mga kuwadrong guhit na may senyas na wika, pakikipagkapuwa, pakikinig, pagbabasa, pagtuturo, at mga gawaing nagbibigay nang matiwasay na pagpapakahulugan tungo sa makabuluhang paggamit ng wika bilang instrumentong titiyak sa emansipasyon sa anumang hamon at suliranin na kanilang kinakaharap. Wika ang susi sa ugnayang-pantao na magtatawid sa mabuting tunguhin na makikita sa poster sa gitna nang mabilis na pag-usad ng mundo.



Buwan ng Wika 2024


#buwanngwika2024
#kwf
#komisyonsawikangfilipino
#depedbuwanngwika2024
#buwanngwikaposter2024
#buwanngwikaposter

Wednesday, May 15, 2024

𝐍𝐨𝐦𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟒, 𝐛𝐮𝐤á𝐬 𝐧𝐚!

 

𝐍𝐨𝐦𝐢𝐧𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟒, 𝐛𝐮𝐤á𝐬 𝐧𝐚!





Tuntunin:

1. Ang Dangal ng Wikang Filipino ay mataas na pagkilála sa mga indibidwal, samahán, tanggápan, institusyon, o ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.

2. Bukás ang nominasyon sa mga indibidwal—laláki man o babae—samahán, tanggápan o institusyon, at mga ahensiyang pampamahalaán o pribadong sektor na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapagalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino sa iba’t ibang larang at/o disiplina.

3. Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naitatag nang hindi bababâ sa limáng (5) taón.

4. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino sa iba’t ibang larang at disiplina. (Kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba).

5. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mulâ sa labas ng KWF.

6. Pára sa nominasyon, ihanda ang sumusunod na kompletong dokumento:

*KWF Pormularyo ng Nominasyon 
https://docs.google.com/.../18av3X0HuW0Nmp9BQ3Xa6.../edit...
*Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina;
*Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at
*Mga pruweba sa katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa wikang Filipino at/o alinmang katutubong wika sa bansa.

7. Ilagay sa isa o higit pang long brown envelop ang mga tinukoy sa bilang 6 at ipadala sa adres na nása ibaba:

Lupon sa Dangal ng Wikang Filipino 2024
Komisyon sa Wikang Filipino
2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel
San Miguel, Lungsod Maynila

8. Ang hulíng araw ng pagpapása at pagtanggap ng nominasyon ay sa 10 Hunyo 2024, 5:00 nh.

9. Ang tatanghaling Dangal ng Wikang Filipino 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa Araw ng Parangal sa 19 Agosto 2024.

10. Pára sa ibá pang detalye, mangyaring tumawag o mag-text sa 0928-844-1349, o magpadalá ng email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.


#buwanngwika2024

#kwf

#dula

#komisyonsawikangfilipino

𝐒𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢 𝐬𝐚 𝐃𝐔𝐋Â 𝐓Á𝐘𝐎: 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐍𝐎𝐋𝐎𝐆𝐎!

 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢 𝐬𝐚 𝐃𝐔𝐋Â 𝐓Á𝐘𝐎: 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐀𝐌𝐀𝐓𝐈𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐍𝐎𝐋𝐎𝐆𝐎!

 


Tuntunin:

 

1. Ang Dulâ Táyo: Pagsulat ng Dramatikong Monologo ay timpalak na itinataguyod ng Komisyon sa Wikang Filipino para sa Buwan ng Wika. Ito ay bílang pakikiisa sa pagdiriwang ng UNESCO International Decade of the Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, at ng SDGs Manila ResiliArt EarthSaving Event (under UNESCO patronage) sa pangunguna ng International Theater Institute (ITI)-Philippines Center.

2. Bukás ang timpalak sa mga Pilipinong edad 18 pataas, maliban sa mga opisyal at kawani ng KWF at kanilang mga kaanak.

3. Ang lahok ay nakasulat sa wikang Filipino at orihinal na gawa ng may-akda; hindi pa nagagawaran ng parangal, hindi pa naisusumite sa ibang timpalak o publikasyon, hindi pa naililimbag, at hindi rin salin mula sa ibang wika.

4. Hindi patatawarin ang sinumang mahuhuling nagplahiyo. Kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.

5. Ang paksa ay “Mga Wikang Katutubo Bilang Kasangkapan sa Pambansang Pag-uswag at Pakikipagkapuwa.”

6. Gamítin ang Arial (font), 12 (font size), 1.5 (spacing) at A4 (súkat ng papel) bílang format ng isusumiteng lahok.

7. Ang isusumiteng monologo ay hindi lalampas sa 20 pahina at kung itatanghal ay hindi lalampas sa 20 minuto.

8. Kinakailangang walang taglay na anumang pagkakakilanlan ng may-akda ang kopya ng lahok. Tanging pamagat at sagisag-panulat lámang ang pinahihintulutan.

9. Isang entri lang ang maaaring ilahok ng indibidwal.

10. Lagyan ng kaulang impormasyon ang Pormularyo ng Paglahok (https://tinyurl.com/yrexyhfy) at ilagay sa expandable envelope ang sumusunod.

*Apat (4) na kopya ng kompiyuterisadong lahok

*Pormularyo ng Paglahok

*Curriculum vitae at/o bionote ng kalahok

*(1) isang 2x2 retrato ng kalahok

11. Ipadalá sa koreo at/o dalhin ang lahok sa:

Lupon sa Dula Tayo: Dramatikong Monologo

Komisyon sa Wikang Filipino

2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel

San Miguel, Lungsod Maynila

12. Ang hulíng araw ng pagsusumite ng lahok ay sa 7 Hunyo 2024, alas-5:00 ng hapon.

13. Ang tatlong mananalo ay tatanggap ng sertipiko at sumusunod na gantimpala na babawasan ng kaukulang buwis:

Unang gantimpala, PHP10,000.00

Ikalawang gantimpala, PHP7,000.00

Ikatlong gantimpala, PHP5,000.00

14. Para sa pagmamarka, gagamitin ang pamantayan na:

Banghay – 25%

Gamit ng wika - 25%

Karakterisasyon - 25%

Malikhaing pagsasanib ng paksa sa piyesa - 25%

15. Ang pasiya ng Lupon ng mga Hurado ay pinal at hindi na mababago.

16. Ang pangalan ng mga mananalo ay iaanunsiyo sa KWF Gabi ng Parangal sa 19 Agosto 2024..

17. Pára sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.

 #buwanngwika2024

#kwf

#dula

#komisyonsawikangfilipino